Thailand, nagtala ng kauna-unahang kaso ng mas nakakahawang Omicron XE

Nagtala ang Thailand ng kauna-unahangkaso ng Omicron XE.

Ayon kay Public Health Commission vice-chairman Chalermchai Boonyaleephan, na ang unang tao na nahawa ng Omicron XE ay nakarekober na matapos makaranas ng mild symptoms.

Pagtaya ni Chalermachai, posibleng kumakat na sa buong Thailand ang naturang virus.

Dagdag nito, na mahalaga na imonitor ang severitu ng XE at resistance nito sa mga bakuna,a t kung ito ba ang papalit sa Omicron BA.2 bilang dominant strain.

Sa pagtaya ng World Health Organization (WHO), ang XE ay 10 percent na mas nakakahawa kumpara sa BA.2, habang iniimbestigahan pa ang severity ng bagong strain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *