‘Messenger Relations Officer’: Xian Gaza, binigyan ng trabaho si Xander Ford

Binigyan ng trabaho ni Xian Gaza si Xander Ford matapos na humingi umano ito sa kanya ng tulong.

Kamakailan nang ibinahagi ni Xian ang pakikipag-usap sa kaniya ni Xander Ford kung saan humihingi ito ng tulong na magka trabaho siya.

Biniro pa nga ng binansagang pambansang marites si Xander Ford na kung gusto niya ng trabaho ay ipadadala niya ito sa Ukraine, na siya namang tila sinang-ayunan ni Xander upang magka-trabaho lamang.

Pero sa mga sumunod pang post ni Xian ay ibinahagi niya ang mga sumunod na pag-uusap nila ni Xander at ipinaliwanag ang trabahong ibinigay niya bilang ‘Messenger Relations Officer’ o tagasagot ng mga mensahe.

Paliwanag kasi ni Gaza, hindi na umano maganda sa kanyang mental health, na minsa’y inuulan siya ng mga messages, kaya simula ngayon ay hindi na niya ito babasahin o papansinin.

Samantala, P5,000 naman ang buwanang magiging sahod ni Xander Ford, kung saan ibibigay ito sa kanya kada kinsenas. //MPT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *