Gilas, talo vs New Zealand sa World Cup qualifiers window

Hindi nagtagumpay ang Gilas Pilipinas kontra sa New Zealand sa score na 88-63, sa FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Smart Araneta Coliseum.

Sa kabila nito, pinangunahan nina Thirdy Ravena ang laro para sa Pilipinas sa 23 points, five rebounds, at five assists, habang nagdagdag ni Dwight Ramos ng 18 points at 10 rebounds.

Bagama’t labis nahirapan ang national team sahalos lahat ng aspeto ng laro, pinatunayan ni Ramos na maging isa sa iilang bright spots matapos ang buzzer beater para tapusin ang third period sa 65-48.

Dahil sa pagkatalo, nagtala ang Gilas Pilipinas ng 3-1 record sa February window, kasunod ng 88-64 victory laban sa India noong Biyernes.

Mababatid na lalaban pa sana ang national team sa South Korea noong Huwebes at sa Lunes, pero umatras ang mga Koreans dahil sa COVID-19.

Samantala, bilang hosts ng 2023 FIBA World Cup kasama ang Japan at Indonesia, sigurado na ang slot ng Pilipinas sa susunod na taong pinakamalaking event sa basketball. //MPT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *