Mga anak ng naaresto sa drug operations handang arugain- City Government

NAGA CITY – Aarugain ng LGU-Naga lalo na ng City Social Welfare and Development Office ang mga bata o anak ng mga mag-asawang nahuhuli sa ginagawang Anti-Illegal Drugs Operation, ayon yan kay City Administrator Elmer Baldemoro, head ng Naga City Council for the Welfare and Protection of Children.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Baldemoro, sinabi nitong kung walang pamilya ng mag-aalaga o titingin sa mga bata ay may obligasyon ang pamahalaan sa mga ito, ang bawat barangay ay may children’s welfare desk na siyang mangangalaga o kaya naman ay direktang idulog sa CSWDO.

Ang sitwasyong ito ay kaugnay sa nangyaring pagkakahuli ng ilang mag-asawa o mag live-in partner sa Isla Sison na nasa kulungan na may mga anak na wala diumanong mag-aalaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *