Mga PDL sa Tigaon District Jail sa Partido Area, negatibo sa HIV; TB Mass Screening, isasagawa

CAMARINES SUR — Negatibo sa isinagawang HIV Screening, Counseling, and Testing ang nasa dalawang daan tatlumpu’t apat na persons deprived of liberty (PDL) ng Tigaon District Jail.

Ayon kay Acting District Jail Warden, Jail Senior Inspector Desman  Onsat,  ang hakbang na ito, sa pakikipagtulungan sa Rural Health Unit ng nasabing bayan, ay layuning masiguro ang maayos na kalusugan ng mga PDL, at bilang preparasyon na rin sa isasagawang TB Mass Screening ngayong araw, May 6.

Bagaman hindi regular ang pagpunta ng medical team dahil kailangan pang magpa-schedule, o di kaya’y nakadepende pa ito sa kanilang availability, nagpapatuloy naman ang monitoring ng TDJ Health Service Unit sa kondisyon at kalusugan ng mga PDL lalo na ngayong tag-init.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *