Mga aral sa World War II , unawain upang hindi maulit pa- Professor

NAGA CITY- “Walang tunay na panalo sa digmaan” , ito ang isa sa mga dapat na maalala sa paggunita ng ika-82 Araw ng Kagitingan ayon sa isang propesor sa Kasaysayan sa Naga City.

Paliwanag ni Ateneo De Naga University Social Sciences Department Chairperson Leo Paulo Imperial, may nasasawi sa magkabilang panig, nasisira ang mga istrukura at iba iba. Ang mga nangyari aniya noong World War II ay dapat na intindihan ngayon upang hindi na maulit pa. Nararapat aniya ang pagkilos tungo sa kapayapaan,  pagkakaisa at pagpapatibay dapat ng relasyon ng mga bansa.

Inaalala ngayon ang katapangan ng mga Pilipino pati mga sundalong amerikano na nagbuwis ng buhay sa Death March sa Bataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *