Mga bagong kaso ng COVID-19, patuloy na tumataas

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan nasa 770 cases na ang huling naitala.

Umakyat na sa 6,068 mula 5,523 ang mga aktibong kaso nitong Huwebes habang nasa 18,463 na mga indibidwal ang isinailalim sa test.

Mas mataas pa din ang naitala sa National Capital Region na nasa 3,264, 1,089 sa Calabarzon, 563 sa Western Visayas, 455 sa Central Luzon habang nasa 279 naman sa Central Visayas.

Samantala, nadagdagan din ang bilang ng mga nasawi na pumalo sa 60,507 habang nasa 3,632,676 na ang nakarekober. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *