Palasyo, iginiit na ‘carefully and decisively’ ang ginawa sa West Philippine Sea dispute

Iginiit ni Presidential Acting Spokeperson Martin Andanar na ‘carefully and decisively’ ang ginawa ng kasalukuyang administrasyon sa West Philippine Sea dispute.

Ayon kay Andanar, ang relasyon ng bansang China at ng Pilipinas ay nasa magandang estado kung saan naranasan ito sa nakaraang 6 na taon.

Sinabi niya na patuloy na gagawin ng gobyerno ang implementasyon ng 2022 declaration of the conduct of parties in the South China Sea.

Samantala, matatandaang naghain ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng mahigit 300 diplomatic protests laban sa Chinese illegal activities sa West Philippine Sea. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *