Mga barangay sa Daraga, Albay muling pinaalalahanan sa implementasyon ng ecological solid waste management program

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Environmental Management Bureau (EMB) Bicol na ang bawat barangay sa bayan ng Daraga sa Albay ay kailangan maging active sa kanilang pagpapatupad pagdating sa Ecological Solid Waste Management Program.

Ayon kay Bombet Lita, ang chief solid waste and Lgu relations section ng nasabing tanggapan, ang barangay na mismo ang naghihikayat sa mga residente sa pag-iimplementa ng tamang pagtuturo ng pagsegregate ng basura.

Gagawin na lamang ng mga eco aide ay kolektahin ang mga di nabubulok o nabubulok na basura upang.

Kailangan rin sa Barangay ang mahigpit na pagmomonitor ng mga basura at magkaroon rin ng ordinansa sa barangay na bibigyan ng penalidad ang mga barangay na hindi susunod sa ipinatutupad na RA 9003 o solid waste management act of 2000.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *