Mga baril, bala at bomba, nasamsam sa isang empleyado ng LGU-Aritao

Iba’t-ibang uri ng mga baril, bala at pampasabog ang nakumpiska ng mga otoridad sa pag-iingat ng isang LGU employee sa implementasyon ng search warrant sa Barangay Poblacion, Aritao, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si Elmer Peralta, 57-anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Positibong nakuha ng mga operatiba sa ikinasang “Oplan Paglalansag Omega” laban sa suspek ang isang unit ng Mortar Bomb High Explosive; dalawang magazine ng kalibre 45 na baril; 45 na piraso ng bala ng Caliber 9mm; isang piraso ng Caliber .22 Pistol at magazine.

Nasamsam din ang isang piraso ng Carbine 5.56 mm Airsoft na may magazine; isang unit ng Marksman 2004 Airsoft; isang Cal.22 airsoft na may magazine at isang bottle copperhead Pellet.

Matagumpay na naisagawa ang operasyon sa pagtutulungan ng mga kasapi ng Nueva Vizcaya PPO and Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 2; Aritao Municipal Police Station; 2nd NVPMFC; Provincial PIU at Provincial Explosives and Canine Unit.

Dinala naman si Peralta at ang mga nakumpiskang kontrabando sa headquarter ng CIDG Nueva Vizcaya Provincial Field Unit para sa dokumentasyon.

Kasong paglabag sa RA 10591 oo Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isasampa laban sa suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *