Mga botanteng 4Ps, pinaalalahanan ng DSWD Bicol sa tamang paggamit ng social media ngayong nalalapit na ang halalan

LEGAZPI CITY – Pinaalalahanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol ang mga benepisyaryo ng 4Ps na mga botante rin ngayong darating na eleksyon na ugaliing alamin ng mabuti ang mga impormasyong nababasa sa social media upang hindi mabiktima ng fake news.

Isa sa mga iminungkahi ng nasabing ahensya ay ang masusing pagsusuri ng tamang impormasyon o fact-checking.

Dagdag pa nito, dahil papalapit na ang eleksyon ay naglipana na naman ang mga fake news sa social media.

Ayon sa ahensiya, nararapat lamang na gumawa ng aksyon upang labanan ito tulad ng pagtutok sa official Facebook page ng nabanggit na tanggapan dahil makatutulong ito sa mga botanteng 4Ps na makatanggap ng tamang impormasyon.

Paalala ng DSWD Bicol sa mga botanteng 4Ps na alamin ang katotohanan at maging responsable sa kanilang boto sa darating na eleksyon ngayong buwan ng Mayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *