Pinakamahabang kotse sa buong mundo, matagumpay na naisailalim sa restoration

Naibalik sa dati nitong orihinal na itsura  ang pinakamahabang kotse sa mundo na may sukat na 100 feet and 1.5 inches, dahilan upang matanggap nito ang pagkilala ng Guinness.

Ayon sa Guinness World Records, ang Super Limousine na kilala bilang “American Dream” ay orihinal na ginawa noong 1986 ng isang car customizer na si Jay Ohrberg at may sukat na 60 feet ang haba.

Kalaunan ay dinugtungan pa ito ni Ohrberg hanggang sa naging 100 feet.

Lumipas ang panahon at napadpad ang kotse sa isang bodega sa New Jersey, kung saan hindi ito napakinabangan sa loob ng ilang taon.

Pinangunahan ni Michael Manning – may ari ng Nassau County, New York-based Autosome Technical Teaching Museum ang pagre-restored ng kotse upang maibalik sa orihinal na disensyo nito.

Umabot sa $250,000 ang halaga nang nagastos sa restoration ng kotse na nakatakdang ipakita sa publiko sa Dezerland Park Car Museum sa Orlando Florida.### CARL ANGELO SARZA, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *