Mga commercial sex workers sa Naga City na hindi sumipot sa unang medical examinations hahanapin ng City Hygiene Clinic at Health Sanitation Office

NAGA CITY –Hahanapin ng mga personahe ng Naga City Hygiene Clinic at Health Sanitation Office ang mga babaeng konsideradong commercial sex workers na hindi sumipot o tumakas sa ginawang unang sorpresang medical examinations sa mga ito noong nakaraang buwan.

Kailangan na matiyak ang kalusugan ng naturang mga babae, para makaiwas naman sa anumang sexually transmitted infection o STI ang magiging kliyente nilang kalalakihan.

Dapat aniya, malaman ang kanilang health condition ayon kay Grace Guevarra ang head ng City Hygiene Clinic.

Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada News FM Naga kay Guevarra, dadami pa ang bilang ng mga ito ngayong paparating ang Setyembre, tiyak na maraming mga dayong babaeng na darating sa lungsod.

May mga nabuo na silang hakbang ng sanitation office, para sa muling pagtatakda ng medical examination sa mga babae.

Nabanggit ni Guevarra na bagamat hindi maganda ang trabahong ito, wala aniya silang magagawa kundi ang tiyakin na lamang ang kanilang kalusugan para ligtas sa anumang sakit na dulot ng STI at HIV/AIDS na marami ngayong sa Naga City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *