9 na FRs, muling magsisimulang buuin ang kanilang buhay sa pamamagitan ng tulong ng gobyerno

May siyam na dating rebelde sa Sorsogon ang muling magsisimula ng bagong buhay sa pamamagitan ng tulong pinansyal na ipinaabot sa kanila ng Pamahalaang Panlalawigan.

Sa isinagawang Presentation of Former Rebels kahapon ng umaga na ginanap sa People’s Mansion, Capitol Compound, nakatanggap ang bawat isa ng P100K bilang tulong pinansyal.

Maliban pa dito, ipapatala ang FR’s sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng DILG.

Sa mensahe ng Gobernador ng Sorsogon na inihatid ng Prov’l Administrator Franco Eric Ravanilla, sinabi nito na sinusuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan upang matugunan ang mga problema ng insurhensiya sa buong lalawigan.

Ang tseke ay sabay na iniaabot sa mga FRs nina Administrator Ravanilla, Provl Director PCol Dionesio Laceda ng SPPO, DILG Provl Director Arnel Renato Madrideo, Deputy Regional Director for Administration PBGen Roger Quesada at ng matataas na opisyal ng 903rd Bde na sina Ltc Allan Mangaser at Ltc Marlon Mojica.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *