Mga empleyadong na lalahok sa Bayanihan Bakunahan 4, hindi dapat mamarkahang absent

Inanunsyo ng Department of Labor and Employment na hindi dapat mamarkahang absent ang mga empleyado ng pribadong sektor na liliban sa trabaho para magpabakuna kontra COVID-19 sa ilalim ng “Bayanihan, Bakunahan” mass vaccination drive mula March 10-12.

Sa isang pahayag, ay ipinunto ng DOLE ang Labor Advisory No.5 series of 2022, na pinirmahan ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, kung saan ay inilatag ang guidelines para sa pagpapasweldo ng pribadong sektor sa mga araw na saklaw ng National COVID-19 Vaccination Days.

Kasama sa mga covered ng kautusan ng DOLE ay ang mga empleyado na nahuli na ang 2nd dose o may missed dose, mga natitirang indibidwal sa ilalim ng priority group A2, mga empleyado sa health at economic sector na hindi pa nagpapa-booster, at ang mga magulang na sasama sa kanilang mga anak na magpapabakuna.

Iginiit ni Bello na hinihimok nito ang employers na payagan ang kanilang mga tauhan na mag-avail ng vaccination at samahan ang kanilang mga anak sa pagpapabakuna nang hindi kinokonsiderang absent.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *