P1.5M ecotourism facility sa Tumauini, Isabela; pinasinayaan

Pinasinayaan ng Protected Area Management Board (PAMB) sa pangunguna ng DENR Cagayan Valley ang Ecotourism facilities sa Watershed Natural Park ng Tumauini, Isabela.

Ayon sa DENR Region 2, ang Tumauini Watershed Natural Park ay isang legislated protected area sa ilalim ng Republic Act 11038 o Expanded National Integrated Protected Area Systems Act.

Mayroon umano itong lawak na 6,509 hectares kung saan sakop nito ang anim na barangay sa nasabing bayan.

Inisyatibo umano ng ahensya ang paggawa ng picnic sheds at ticket booth na pinondohan ng 1.5 milyn pesos sa pamamagitan ng suporta ng Biodiversity Management Bureau.

Sinabihan naman ni DENR RED Gwendolyn Bambalan ang mga Local Chief executive ng Tumauini na hikayatin ang mga residente ng anim na barangay na sakop ng TWNP na magtanim ng puno upang mapanatiling maprotektahan ang watershed, sumunod sa health protocols at tamang implementasyon ng proper solid waste management.

Inihayag naman ng alkalde ng bayan ang konstruksiyon ng mga palikuran at pagsasaayos sa kanilang tourism office building.

Ilan pa sa mga natural attraction sa nasabing parke ay mga waterfalls, rocks formation, kweba at mga limestone.

Isinaad naman ni CENR Officer Dionicio Deundo na umabot na sa 300 hectares na plantation ang na-establish sa lugar sa ilalim ng National Greening Program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *