Mga estudyante, na-trauma sa engkwentro ng Army at NPA na malapit sa kanilang eskwelahan

Nakuhanan ng video ang labis na takot ng mga estudyante sa isang paaralan sa Cawayan, Masbate habang nagpapalitan ng putok ang magkalabang tropa ng pamahalaan at New people’s Army.

Makikita sa video na kanya-kanyang pagkubli, pagdapa, iyak at  pagtili ng mga estudyante habang dinig na dinig ng mga ito ang mga putok.

Sa pahayag sa Brigada News ng imbestigador ng Cawayan MPS, kinumpirma nito na may isang sundalo ang nasawi. Kinilala itong si Cpl Antonio Parreño Jr.

Batay sa ulat, nagkasagupa dakong alas 10:30 ng umaga kahapon, Marso 20 ang puwersa ng 2IB at aabot sa 12 rebelde na kabilang sa Platun 1, L2, KP4.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang Army sa presensya ng mga rebelde sa nasabing lugar kung kaya’t nagsagawa ng combat operations ang mga ito.

Umabot sa limang minuto ang naging palitan ng putok. Narekober ng mga sundalo sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang R4 assault rifle, isang improvised pellet gun, 3 cellphones, 2 Anti-personnel mines, isang teleskopyo, 2 IED switch, apat na blasting caps, IED wires, jungle packs, mga pagkain at personal na kagamitan ng mga rebelde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *