₱300K tinangay ng mga magnanakaw mula sa Chinese businessman sa Batangas; biktima, sinaksak pa

Sugatan ang isang negosyanteng Chinese national matapos saksakin at pagnakawan ng hindi pa nakikilalang mga magnanakaw sa Barangay Manghinao 1, Bauan, Batangas.

Nakilala ang biktima na si Willima Ng, 73-anyos at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bauan Municipal Police Station, pasado alas-2:30 ng madaling araw nang magising ang biktima sa kanyang pagkakatulog matapos siyang makarinig ng ingay galing sa kabilang kwarto ng kanyang bahay.

Pinuntahan niya ito at doon ay nakita ang dalwang suspek na parehong nakasuot ng bonnet.

Doon ay sapilitan umanong pinagbuksan ng dalawang suspek sa biktima ang kaniyang safety vault.

Agad namang pinagsasaksak ng mga suspek ang biktima at tinangay ang perang hindi lalagpas sa ₱300,000.

Napag-alamang na nagsilbing daan ng mga suspek ang kisame ng bahay ng biktima upang makapasok at makalabas ang mga ito.

Matapos ang pagnanakaw ay tumakas ang suspek papunta sa hindi nalamang direksyon dala ang mga ninakaw na pera.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon at pinaghahahanap na ng mga awtoridad ang nakatakas na mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *