Mga hayop na ibabiyahe, dapat dokumentado –PCG Pasacao

CAMARINES SUR- Agad na hinaharang ng mga Philippine Coast Guard (PCG) Pasacao ang mga biyaherong may bitbit na alagang hayop at frozen meat pagdating sa daungan upang matiyak na may permit to transport ang mga ito at ligtas na ibiyahe.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni CG CPO Emerson Libreja, Substation Commander ng Pasacao Port. Binigyang diin ni Libreja na ang sinumang biyahero ang hindi makapagpresenta ng permit to transport at iba pang dokumento ng dala-dalang frozen meat, agad nila itong kinukumpiska.

Pagdating naman sa mga alagang hayop, pansamantala nila itong ibinibigay sa Bureau of Animal Industry hanggang sa makapagpakita na sila ng mga dokumento kaya payo ng opsiyal sa mga magdadala ng hayop, na sumunod sa mga patakaran upang maiwasan ang pagkaabala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *