Mga health centers sa Calabanga, Camarines Sur tiniyak na may mga vitamins at gamot para sa mga senior citizens na posibleng maapektuhan ng init ng panahon

NAGA CITY – Tiniyak ng Lokal na Pamahalaan ng Calabanga, Camarines Sur na may mga gamot at vitamins sa mga Barangay Health Centers na handang ibigay sa mga senior citizens kung maaapektuhan ng sobrang init ng panahon ngayon, bukod pa sa mga bata at mga buntis.

Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada News FM Naga kay Municipal Councilor Adonis Aguilar Jr., Chairman ng Senior Citizens Committee sa konseho, sinabi niyang pinaghandaan na ng LGU-Calabanga katuwang ang Provincial Government ang kalusugan ng mga matatanda, kaya regular ang check-up sa mga ito na binibigyan agad ng mga kailangang gamot.

Sinabi ni Aguilar, na nag-iikot na sila sa mga malalayong barangay para tingnan kung gaano kahanda ang mga health centers nila sa ganitong senaryo na dapat i-prayoridad ang pag-monitor sa mga ito, mula sa kanilang blood pressure, sa pagkain at sa pag-inom ng mga gamot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *