Mga healthworkers pinayagan pumili ng bakuna para sa kanilang 3rd dose

Naglabas na nang panuntunan ang Department of Health kaugnay sa pagtuturok ng 3rd dose o booster shot sa mga health care workers.

Kabilang sa guidelines na inilatag ng National Vaccination Operations Center ay pagbibigay ng kalayaan sa mga nasa A1 categories na makapili ng bakuna para sa kanilang 3rd dose.

Maari umano itong ‘homologous’ o kapareho ng brand na itinurok sa kanila noong 1st at 2nd dose, o kaya’y ‘heterologous’ o ibang brand ng bakuna mula sa primary dose na kanilang natanggap.

Nakasaad naman sa operating guidelines ng DOH na nakadepende pa rin sa availability ng brand ng bakuna ang mga doses na matatanggap ng mga ito.

Kabilang sa mga brand na pinayagan ng DOH para sa 3rd dose ay ang Pfizer Bio-Ntech, Moderna, Astrazeneca, Sinovac, Jansen at Gamaleya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *