Mga hindi susunod sa No Segregation, No Collection Policy ng mga basura sa Olongapo, pagmumultahin

Isasabay na ng City Government at ng mga barangay sa pangongolekta ng basura ang pag-iisyu ng ticket sa mga residenteng hindi susunod sa proper waste segregation.

Ito ay para tiyaking madedisiplina ang mga ayaw sumunod sa patakaran na No Segregation, No Collection Policy sa Olongapo.

Ayon kay ABC Pres.Randy Sionzon, hindi pa man ipinatutupad sa lahat ng barangay ang polisiya ay mayroon ng ilang indibidwal ang nagbabantang hindi susunod kaya kailangang madesiplina.

Maliban sa hindi kokolektahin ang basura, may katumbas na multa at community service para sa mga hindi makasusunod sa patakaran.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *