Mga iskolar ng Daraga MPS muling hinandugan ng karagdagang suporta, para sa kanilang pag-aaral

LEGAZPI CITY – Taos pusong nagpasalamat ang mga iskolar ng Daraga MPS na sila Rizza at John, mga residente ng Daraga, Albay nang sila’y muling handugan ng karagdagang pinansyal na asistensya para sa kanilang pag-aaral.

Sina Rizza at John ay mga iskolar ng Daraga MPS mula pa noong sila ay nasa High School.

Sa kasalukuyan, sila ay parehong 4th year college na, Si Rizza ay kumuha ng kursong BS Electrical Engineering, samantalang si John ay BSED Major in Social Studies.

Sa kanilang pagbisita sa Himpilan ng Pulisya ng Daraga sa pakikipagpanayam kay Chief of Police PLTCOL RODELON BETITA ng nasabing himpilan ng pulisya, nagpaabot ng mensaheng dagdag inspirasyon upang mas masigasig nilang tapusin ang kanilang pag-aaral, at tuluyang makamit ang kanilang mga pangarap.

Ang programang ito ay nakapaloob sa Albay PPO Scholarship Foundation Inc. (APPOSFI), na naglalayong makatulong sa pag-aaral at pagtupad ng mga pangarap ng mga piling mag-aaral sa Probinsya ng Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *