Parking boy tiklo sa buy-bust

SORSOGON CITY – Arestado sa isang buy-bust operations ang parking boy na nag-ooperate sa Brgy. Sirangan, Sorsogon City.

Kinilala itong si Regil Agripa Detera, 36 anyos, may asawa, residente ng kaparehong barangay at pinagkakakitaan nito ang pagsasaayos ng parking sa mga customers ng magkatapat na fastfood malapit sa palengke.

Dakong alas 10:00 ng umaga, Marso 23 nang maaresto sa iikinasang anti-illegal operations ang suspek kung saan nakuha sa kanya ang dalawang pirasong heat sealed plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu.

Narekober mula sa routine body frisking ang halagang P500.00 at ang P1,500 boodle money na ginamit sa operasyon.

Nasa kustodiya na ngayon ng Sorsogon City Police Station (CPS) ang suspek, na kabilang rin sa watchlist ng city drug enforcement unit (CDEU).

Hinihintay na lng ng personahe ng nasabing yunit ang resulta ng chemeical analysis sa narekober na droga mula sa crime laboratory bago ito sampahan ng kaukulang asunto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *