Mga kaanak ng isa sa mga target ng search warrant sa cotabato, umalma sa mga operatiba

INALMAHAN ng mga kaanak ng isa sa mga target ng serach warrant operation ng City PNP kahapon ng madaling araw sa Brgy. Tamontaka 3.

Sa panayam ngayong umaga ng Brigada kay ASRIYA GIUADEL, giit nito dapat aniya ay hinuli nalang at di na daw umano bin aril at itinapon sa ilog ang tiyuhin nitong si SAILO ENGGED.

Ayon pa kay GUIADEL, nagulat nalang umano sila ng dumating ang raiding team kasabay ng pagtutok ng mga operatiba sa kanilang lahat na dinatnan sa loob ng pamamahay.

Pinagkukuha pa umano ng isang grupo ng raiding team ang mga panindang sigarilyo ng kaniyang tiyahin kasama ng mga pera at mga alahas at ito nakahanda umano nilang i-akyat sa legal na usapin, dagdag pa ni Guiadel.

Sa kasalukoyan ay patuloy parin na pinaghahanap si SAILO GUIADEL na di pa matukoy ang estado nito kung buhay o talagang nasawi na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *