1 arestado, 2 handgun narekober sa pnp search warrant operation sa Cotabato City

Sa bisa ng isang search warrant na inisyu ni RTC 12th Judicial Region Branch 19 acting Presiding Judge Hon. Allan Edwin Bongcavil ay hinalughog kahapon ng umaga ng mga elemento ng lokal na kapulisan sa lungsod ng Cotabato ang apat na pamamahay na target ng kanilang operation kahapon ng umaga sa Prk. 6, Brgy, Tamontaka 3, pangunguna ni City Director P/Col. Rommel Javier.

Sa panayam ng Brigada kay CD P/Col. Javier, aniya ang naturang operasyon ay bilang implementation ng search warrant for illegal possession of firearms laban sa mga apat na mga personalidad na di tinukoy sa ere ng opisyal sa pagkat mayroon pa umano silang follow-up operations.

Nagresulta ang naturang operasyon sa pagkaka-aresto ng isang indibidwal matapos makuhanan ng isang 45. Caliber pistol kung saan kinilala naman sa report ng PNP ang arestado na si alyas AM , 49 anyos na residente ng lugar.

Isa pang 45. Caliber na pistola ang narekober ng mga otoridad malapit sa pamamahay ng ikaapat nilang target na sinasabi naiwanan uman o nito bago nakatalon sa ilog matapos makipagpalitan ng putok sa mga paparating na mga otoridad. Inalmahan naman pamilya at mga kaanak ng ikaapat na target ng search warrant ang operasyon kasabay ng kanilang mga hayagang aligasyon na binaril umano n g malapitan ng raiding ang naturang personalidad.

Sa ngayon ang naarestong si AM ay nakapiit sa detention cell ng City PNP Station-3 na mahaharap sa kasong Violation of RA10591 habang ang mga nakumpiskang baril ay na-turnover narin sa PNP RCLO BAR for Ballistic Examination.

Nakatuwang ng CCPO sa operation ang RMFB 14- PRO BAR, CIDG BARMM, MBLT-2 at Task Force Kutawato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *