Mga kunsomidores ng Canoreco sasalubungin ng bahagyang pagbaba ng bayarin sa kuryente pagpasok ng Enero 2023

CAMARINES NORTE- Sasalubungin ng bahagyang pagbaba sa singil ng kuryente ngayong Enero ang mga kunsomidores ng Camarines Norte Electric Cooperative.

Bumaba kasi  ng Php0.4956 per kWh ang billing rates na babayaran para sa December 2022 billing.

Ang residential rate ay Php17.4270 per kWh na lamang kumpara sa Php17.9226 per kWh noong nakaraang November 2022 billing.

Ang low voltage rate ay Php16.4734 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php14.5811 per kWh.

Sa pagbaba ng billing rate na babayaran sa Enero 2023 para sa mga konsumo sa kuryente noong Disyembre 2022, mababawasan ng Php49.56 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na komukunsumo  ng 100kWh, ng Php99.12 ang komukunsumo  ng 200kWh; at ng Php148.68 ang kukunsumo naman ng 300kWh.

Paliwanag ng Canoreco na ang pagbaba ay ay bunsod ng pagbaba ng Blended Generation Charge dahil sa mas mababang Fuel Cost (Coal Price) na binayaran sa Power Supplier na Therma Luzon, Inc. (TLI) para sa supply month ng November 2022.

Bumaba rin ang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) na Php8.6902 per kWh na lamang kumpara sa Php9.1254 per kWh noong nakaraang November 2022.

Bukod dito, bumaba rin ang System  Loss Charge at ang Value Added Tax Charges.

Pansamantala namang sinuspinde ang pagkolekta ng Feed-In-Tariff (FIT-All Charge) dahil sa ERC Resolution No. 12, Series of 2022 mula sa billing ng December 2022 hanggang February 2023.

Sa kabilang dako, tumaas naman ang Transmission Charge dahil sa mas mataas na transmission at ancillary services mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Bahagya naman ang naging pagtaas ng Senior Citizen Subsidy, Lifeline Subsidy at Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM)/Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (ICERA).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *