Lalaki na may 102 na anak sa Uganda, nagpasiyang hindi na muling dagdagan dahil sa Inflation

ISANG lalaking magsasaka sa Uganda na si Musa Hasahya, 64 taong gulang na may 102 na anak at 568 na apo  sa kanyang 12 na asawa  ang nagpasiyang hindi na muling dagdagan ang bilang ng kanyang pamilya dulot ng  inflation.

Ang bansang Uganda, ay may batas na pinahihintulutan ang polygamy o ang pagka-karoon ng maraming asawa.

Sa panayam kay Hasahya, dahil nga sa inflation o patuloy na pagtaas ng mga bilihin, ang kanya namang kinikita sa pagiging magsasaka ay paliit naman ng paliit.

Ayon pa rito, sa takot na muling madagdagan ang kanyang mga anak ay pinag-gamit niya na ng contraceptives ang kanyang mga asawa na agad naman nilang sinang-ayunan.

Dahil sa inflation na nagpagising kay Hasahya nirekomenda niya sa kanyang mga matatatandang anak na huwag na siyang tularan pa at matuto nang gumamit ng contraceptives.

Sa ngayon, ang malaking pamilya ni Hasahya ay naninirahan sa isang 12- bedroom house sa kanyang bukid sa Lusaka, Uganda. ###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *