Mga lolo at lola, matiyagang naghintay ng pensyon kahit inabot ng gabi

Umani ng sad reaction sa netizens ang ibinahaging larawan ni Beth Castro Pejana ng Barangay San Jose sa Puerto Princesa ngayong gabi ng Martes.

Inabutan na kasi ng gabi sa pila bago nakakuha ng Senior Citizen pension ang kaniyang tatay na 72 anyos na.

Alas-syete pa raw ng umaga ito pumila para sana makuha agad ang pensyon subalit hindi nila inaasahan na gabi na ito makakauwi.

Hinatiran na lamang aniya ito ng pagkain kanina at ngayong gabi habang naghihintay na matanggap ang pensyon.

Sa post ni Beth, naitanong niya kung tama pa ba ang ganitong sistema ng pamamahagi ng pensyon mula sa Nasyonal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *