Mga magulang, patuloy na hinihinikayat ng LGU Cauayan City na pabakunahan ang kanilang mga anak

Patuloy na hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Cauayan ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak na edad 5 hanggang 11.

Ayon kay Vice Mayor at Acting City Mayor Bong Dalin, sa nagdaang bakunahan sa naturang age group ay nasa halos isang libo ang naturukan.

Sa ngayon aniya ay marami na ang mga magulang ang nagpapa-schedule para makatanggap ng bakuna kontra COVID-19 ang kanilang mga anak.

Inaasahan aniya na sa darating na linggo ay mas marami pa ang ibababang bakuna sa lunsod.

Ito aniya ay bilang paghahanda sa posibleng pagbabalik ng new normal o face-to-face classes ng mga bata.

Samantala, muli namang nagpaalala si Vice Mayor Dalin sa mga kababayan na patuloy pa rin ang pagsusuot ng face mask at pagsunod sa safety protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *