Mga mambabatas at ilang opisyal kinondena ang pagpaslang sa dating alkalde sa loob ng ADMU

Kinondena ni Basilan Representative Mujiv Hataman ang assassination kay dating Lamitan Mayor Rose Furigay sa loob ng Ateneo de Manila University, na kasabay pa sa graduation ng anak nito.

Ayon kay Hataman, mas lalo umanong nakakalungkot ang pangyayari, dahil sa halip na pagdiriwang ang pagluluksa ang nararamdaman ng pamilya Furigay.

Dalangin naman nito ang mabilis na paggaling ng kanilang anak na sugatan sa insidente at ang pagbangon ng pamilya mula sa trahedyang ito. Kasama nyo kami sa panawagan ng hustisya.

Samantala, labis rin na kinokondena ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang naturang pamamaril.

Dahil dito, hiniling ni Belmonte sa Quezon City Police District (QCPD) na tiyaking agad maibibigay ang hustisya para sa mga biktima.

Parehong sentimyento rin ang ipinaabot ni Albay Rep. Joey Salceda, at iba pang mga mambabatas at opisyal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *