PBBM tiniyak ang hustisya sa mga biktima ng Ateneo shooting incident

Ikinalungkot at ikinagulat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang shooting incident sa Ateneo de Manila University na ikinasawi ni Lamitan City Mayor Rose Furigay at dalawang iba pa.

Kaugnay nito, nakikidalamhati ang pangulo sa pamilya ni Furigay.

Pagtitiyak ni Marcos, mahigpit na iimbestigahan ang naturang insidente, at pananagutin ang nasa likod ng krimen.

Samantala, nakikiramay rin sa pamilya Furigay si Vice President Sara Duterte, at iginiit na ang naturang karahasan ay walang puwang sa lipunan, lalo na sa loob ng paaralan, na kinokonsidera sanang ligtas para sa lahat, lalo na sa mga estudyante.

Dahil dito, hinimok ng pangalawang pangulo ang Philippine National Police na tugunan ang gun violence sa bansa, kasabay ng paniniwalang ang consistent operations laban sa illegal firearms, ay maaring isa sa mga effective measures.

Samantala, paiigtingin naman ng Department of the Interior and Local Government ang kaso laban sa suspek at maghahain ng kaukulang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *