Mga mangingisda mula sa Mercedes Camarines Norte na inabot ng malakas na alon habang pauwi galing Camarines Sur ligtas nang nakauwi sa kanilang tahanan

CAMARINES NORTE- Nakauwi na sa kanilang tahanan ang apat na mangingisda mula sa Mercedes, Camarines Norte na pumalaot sa Butawanan, Siruma, Camarines Sur noong nakaraang Sabado, October 22.

Umalis ang apat na mangingisda sakay ng FB 5 Brothers sa nabanggit na petsa upang mangisda sa naturang lugar pero hindi ito agad nakabalik

Kinilala ang mga ito na sina Romelito Benavidez 57, may ari at piloto ng bangka, residente ng Barangay 4, Rodrigo Abundo 57, na taga Barangay 1, Noel Solver 43, ng Barangay 3 at Erwin Alerta 31 na taga Barangay 5.

Batay sa ulat ng Philippine Coast Guard dakong alas 8 ng umaga nitong Huwebes, October 27 nang ireport sa kanila ang tungkol dito.

Agad namang nakipag ugnayan ang Coast Guard Station sa  kanilang counterpart sa Camarines Sur at Catanduanes para sa posibleng sightings ng nabanggit na bangka sakay ang apat na mangingisda.

Dakong ala 1:30 ng hapon, nitong Huwebes nang makatanggap ng report ang Coast Guard mula sa MDRRMO Mercedes na ang apat na mangingisda ay nasa Barangay Cayucyucan.

Batay umano sa salaysay ng may ari at piloto ng bangka, umalis sila sa Barangay 5, Mercedes noong Sabado para mangisda sa Butawanan, Camarines Sur.

Pauwi na umano sila nang ma- encounter ang malalaking alon dakong alas 10 ng gabi noong Martes sa may bahagi ng Canimog island kaya nagdesisyong mag- shelter sa Barangay Cayucyucan.

Pinayuhan naman ng Coast Guard ang mga nabanggit na mangingisda na huwag nang pumalaot kapag mayroong sama ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *