Aga, nominated Best Actor sa Asian Televison Awards

Bumida ang FAMAS awardee na si Aga Mulach matapos nitong ma-nominate bilang ‘Best Actor in a Leading Role’ sa Asian Television Awards.

Ito ay para sa pagganap niya bilang si ‘Jimmy Boy’ sa sports-drama series na ‘Suntok sa Buwan’.

Si Aga ang natatanging Pinoy na na-nominate sa prestihiyosong awards kalinya ang iba pang mga aktor mula sa Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia at Singapore.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Aga na hindi raw siya makapaniwalang na-nominate siya rito.

Pinasalamatan naman niya ang lahat ng mga nasa likod ng production, mga staff, at mga crew ng palabas.

Ang Suntok sa Buwan ay pinagbibidahan ni Aga bilang si ‘Jimmy Boy’, isang retiradong boksingero na na-diagnose na mayroong stage 3 cancer at kasalukuyang nagta-trabaho bilang isang taxi driver.

Ang anak nitong si ‘Dos’ na ginaganapan naman ni Elijah Canlas ay nangangarap din mabing isang boksingero kagaa ng kanyang ama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *