Mga naapektuhan ng asf sa bayan ng Floridablanca, tumanggap ng ayuda mula sa DA

Aabot sa 45 hog owner sa bayan ng Floridablanca ang tumanggap ng ayuda mula sa Department of Agriculture.

Ang mga benepisyaryo ay mga namatayan ng alagang baboy dahil sa African Swine Fever kung saan bawat isa sa mga ito ay tumanggap ng anim na bag ng feeds mula sa DA.

Pinangasiwaan ng Provincial Agriculture Office ang pamamahagi ng ayuda sa mga hog growers mula sa iba’t-ibang baranggay sa naturang bayan.

Layunin nito na tulungan ang mga magba-baboy para mapalakas ang kanilang hanap-buhay at palakasin ang “hog raising industry” sa buong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *