Sampung pisong dagdag pasahod para sa mga minimum wage earners sa Central Luzon, ipinatutupad na ng DOLE

Obligado nang magbigay ng karagdagang sampung pisong dagdag sa arawang pasahod ang mga employer ng mga minimum wage earners sa Central luzon

Ito ay dahil simula noong jan 1 ay epektibo na ang 2nd tranche ng wage adjustments kasunod ng 1st tranche na 30 pesos na una nang naibigay nong nakaraang taon pa.

Ayon kay Arvin Favian ng Labor Department ng Olongapo,sa panahong ito ay wala nang dapat rason pa ang mga employer para di maibigay ang omento sa pasahod.

Matatandaan,panagunahing dahilan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin kung bakit marami sa mga manggagawang pilipino ang humiling ng omento sa magkakaibang halaga pero mababa dito ang mga inaprubahang dagdag sahod

Liban pa dito,sinabi ni Fabian na tuloy ang gagawing mga pagdinig sakaling mayroong panibagong wage adjustments petition ang mga labor group lalo na sa gitnang Luzon.

BNFM OLONGAPO CHRISTIAN ANDRES

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *