Mga nabakunahan sa Angeles City, aabot na sa sa mahigit 43 thousand

Umabot na sa 43, 921 na indibidwal sa Angeles City ang naturukan na unang dose ng bakuna kontra Covid-19.

Sa bilang na ito 6, 420 pa lamang ang fully vaccinated sa lungsod.

Base sa datos na inilabas ng City Health Office, ang bilang ng mga nabigyan na ng unang dose ng Covid-19 vaccine mula sa A1 Group ay nasa 6, 867 na, 12, 666 naman sa A2; 17, 237 sa A3 at 7, 151 sa A4.

Habang ang mga nabigyan na ng 2nd dose sa A1 group ay nasa 4, 354 pa lamang, 721 sa A2; 1 343 sa A3 at dalawang indibidwal sa A4.

Samantala, ang mga bakunang nagamit sa lungsod ay ang Sinovac, Astrazeneca at Pfizer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *