Mga nabakunahan sa Camarines Norte umabot na sa 54, 785

CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 54, 785 ang mga nabakunahan dito sa lalawigan ng Camarines Norte mula nang mag umpisa ang vaccination rollout noong Marso.

Ayon kay Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sa bilang na ito 23, 336 ang nabigyan ng Johnson and Johnson vaccine.

Aabot naman sa 20, 559 ang naturukan ng first dose habang 10, 890 ang nakatanggap na ng second dose ng AstraZeneca at Sinovac.

Ayon naman kay Department of Health (DOH) Provincial Officer Dr Jocelyn Iraola may karagdagang 10, 000 Sinovac vaccines ang ipinadala sa Camarines Norte kung saan prioridad  pa ring mabakunahan ay ang senior citizens.

Kaugnay nito ay inirekomenda ni Iraola na suyurin ang mga natitira pang senior citizens na hindi pa nababakunahan at persons with co morbidities sa pamamagitan ng mobile vaccination.

Simula kahapon ay nagkakaroon muli ng pagbabakuna sa out- patient department ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) na tatagal hanggang ngayong araw.

Muli ring binigyang diin ng ahensiya ang kahalagahan ng bakuna sa harap na rin ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19.

Lahat umano ng bakuna ay epektibo dahil ito ay aprubado ng World Health Organization na binigyan naman ng Emergency Use Authorization ng Food and Drugs Administration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *