Mga nabakunahan sa COVID-19 sa lungsod ng Legazpi pumalo na sa halos 15k

BICOL—Pumalo na sa kabuuang 14,996 ang mga naturukan ng COVID-19 vaccine sa lungsod ng Legazpi sa gitna ng nagpapatuloy na vaccination rollout.

Batay sa pinakahuling tala na inilabas ng lokal na pamahalaan kahapon, ang bilang na ito ay ang mga nabakunahan mula sa A1 hanggang A3 priority groups para sa first at second dose.

6,712 na ang nabakunahan ng first dose sa A1 priority list at 4,924 naman ang nabigyan ng second dose. Ito ay ang mga frontline workers sa mga health facilities sa lungsod.

1,797 naman ang naturukan ng first dose sa A2 at 621 ang nabigyan ng second dose.

Para sa A3, 776 na ang nabakunahan ng first dose habang 166 na ang naturukan ng second dose.

Sa kabuuan, ay umaabot na sa 9,285 ang mga nabakunahan ng unang dose mula A1 hanggang A3 habang 5,711 na ang naturukan ng second dose ng COVID-19 vaccine.

Kaugnay nito ay hinikayat ni Alkalde Noel Rosal ang mga Legazpeño na magregister na online o kaya ay magpalista sa kanilang barangay.

Anya, marami pang mga bakuna ang darating kaya inaasahan nilang magtutuloy-tuloy ang pagbabakuna.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *