Mga nasa coastal barangays sa Calabanga , Camarines Sur pinaghahanda sa malakas na habagat na posibleng epekto ng Super Typhoon Mawar

CAMARINES SUR- Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang kilos at lakas ng Super Typhoon Mawar na papangalanang “Betty” kapag nakapasok na sa Philippine area of Responsibility (PAR).

Hindi napapatid ang forecast ng PAGASA na maliit ang tiyansa na tumama sa kalupaan ng Pilipinas, pero posibleng lumakas ang Hanging Habagat.

Kaya naman sinabi sa Brigada News FM Naga ni Calabanga , Camarines Sur Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Danny Abalayan dapat maghanda na ang mga residente sa 13 coastal barangay lalo na ang mga may motorized bangka.  Delikado aniya sa hampas ng malalakas na alon. Kaya kung magkaroon na ng gail warning huwag nang makipagmatigasan. Mayroon aniyang mga nakatalagang evacuation area para sa mga bangka sa ilang mga barangay.

Noong Pebrero ilang mga bangka ang nasira dahil sa sama ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *