Mga negosyong hindi makakahabol sa no extension ng pagpaparehistro sa BOSS sa Naga City, tatanggapin pa rin hanggang sa Enero 22

NAGA CITY – Tatanggapin pa rin hanggang sa Enero 22 na lamang, ng Lokal na Pamahalaan ng Naga ang mga negosyante o kliyenteng hindi makakahabol sa pagpaparehistro sa huling araw Enero 20 ng Business One Stop Shop o BOSS sa lungsod.

Ito ang napag-alaman kay City Administrator, Elmer Baldemoro.

Aniya, nagkataong araw ng Sabado ang petsa 20 kaya tatanggap pa rin sa Lunes, Enero 22, dahil sa sarado ang ilang opisina, lalo na’t sa isang araw din hindi bababa sa isang daan ang nagpaparehistro, maliban pa riyan mas ninais ng ilan ang personal na proseso sa pagkuha ng permit o lisenysa kaysa sa online registration.

Higit dalawang libo na rin ang nakapagparehistro sa BOSS, mga baguhan man o renewal na patuloy na hinihikayat ng LGU na samantalihin ang programa.

Idinagdag na rin ng opisyal pagdating naman sa economic enterprise ng LGU isa ang Market Enterprise and Promotion Office, Abattoir sa mga kumikita sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *