Mga OFWs na LET passer maaaring magkaroon ng permanent item sa DepEd

KORONADAL CITY- NAGPAPATULOY ang pagproseso ng Overseas Workers Welfare Administration – National Reintegration Center for OFW’s o OWWA-NRCO kasama ang Department of Education o DepEd ng mga papeles at item ng mga licensed teachers na mga OFWs na umuwi ng bansa.

Inihayag ni OWWA 12 regional director Marilou Sumalinog na ito ay sa ilalim ng programang “Sa Pinas Ikaw ang Maam o Sir” o SPIMS.

Ayon kay Sumalinog na sa naturang programa, hindi na kailangan pang magpa-ranking ng mga OFWs na pasado sa Licensure Examination for Teachers (LET) dahil ang item ng mga ito ay mula mismo sa DepEd Central Office.

Dagdag pa ng opisyal na maaari pang makapamili ang mga ito ng lugar kung saan nila gustong magturo.
Mula noong nakaraang taon hanggang ngayong 2021, nasa 72 mga umuwing OFWs na ang nabigyan ng item ng

Department of Education sa Soccsksargen region.
Ang SPIMS ay isang programa na nagbibigay ng pagkakataon sa mga OFW LET passers na makauwi sa Pilipinas, makahanap ng permanenteng trabaho sa gobyerno at ma-practice ang kanilang propesyon bilang mga guro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *