Mga operator ng tricycle at e-trike sa Naga, mas maghihigpit sa kanilang mga driver  dahil sa ilang kondisyon sa balik P15.00 na pasahe sa lungsod

NAGA CITY – Mas magiging mahigpit ngayon ang mga operator ng tricycle at e-trike sa kanilang mga driver dahil sa mga kondisyon sa balik P15.00 na pasahe sa lungsod.

Sa panayam kay Kagawad Gil Belen ng Barangay Dayangdang, at Federation President ng Trimobile Operators Drivers Association, ilan rin kasi sa problema minsan, may mga operators na hindi hinihigpitan ang mga driver kaya madalas ang ilang paglabag lalo na ngayong mas mahigpit na, basta na lamang kumukuha ng mga driver na hindi man lang inaalam ang pagkatao o kaya naman ay walang disiplinang ginagawa.

Maliban pa riyan, magiging katuwang na rin sila sa pagmonitor sa mga paglabag na magagawa ng isang driver lalo na’t tatlong paglabag ay maaari nang masuspende, kabilang ang overloading, overcharging, pagpili sa pasahero, iba pa, lalo na ang pangbabastos, na nitong isang araw nga  lamang ay may insidente kung saan nakilala na ang driver at  kasalukuyan nang inaaksyunan ng Public Safety Office at Naga City Police Office.

Ayon pa opisyal, posible rin muling magkaroon ng mga pag-uusap sa mga operator at driver upang maipaalam muli sa kanila ang mga violations.

Samantala, balik P15.00 na pamasahe, ipapatupad na bukas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *