Mga opisina ng Comelec bukas sa April 9 at 10 para tumanggap ng mga magpaparehistro

CAMARINES NORTE – Inihayag nitong Biyernes ng Commission on Elections na bukas ang kanilang mga opisina sa iba’t- ibang munisipyo para tumanggap ng mga magpaparehistro sa April 9 at 10.

Regular holiday ang April 9, Araw ng Kagitingan at idineklara din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na regular holiday ang April 10  para sa nationwide observance ng Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng panahon ng Ramadan ng mga kapatid na muslim.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Provincial Election Supervisor Atty. Francis Nieves, inihayag nito na bukas ang mga opisina ng Comelec sa mga nabanggit na araw mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon tulad din ng karaniwang araw.

Pwede ring isagawa ang satellite registration sa mga nabanggit na araw para mas maraming magpaparehistro ang maabot ng Comelec.

Hinimok naman ni Nieves ang mga hindi pa nagpaparehistro na huwag nang hintayin ang huling araw ng voter registration sa September 30 nitong taon sa halip, ngayon pa lang ay dapat magparehistro na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *