Musikero sa bansang Argentina, nakagawa ng isang machine na kayang ma-control ang ingay ng kapitbahay?

Rinding-rindi ka na ba sa lakas ng pinapatugtog ng iyong mga Kapaitbahay?

Worry no more! Dahil mayroong nang imbensyon na kung saan kaya nang ma-control ang lakas at ingay ng pinapatugtog ng inyong mga kapitbahay.

Sa bansang Argentina, nadiskubre ng isang lalaki na si Roni Bandini, na kung saan kaniyang naimbento ang isang machine at tinawag niya itong, Reggaeton Be Gone, kuha ang ideya nito sa isang machine na kayang ma-control ang volume naman ng mga TV at Speaker sa mga bar.

Ang naturang machine ay gumagana sa tulong ng Artificial Intelligence, kaya sa isang hudyat mo lang kaya mo nang pahinaan ang speaker ng iyong kapitbahay maging ang pagpatay nito sa ipinapatugtog na musika.  

Kapag na-detect ng machine ang malakas na volume ng kanta agad itong magse-send ng sign sa pamamagitan ng Bluetooth device diretso sa naturang imbensyon. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *