Mga pabayang ama na hindi nagsusuporta sa anak, hahabulin ni DSWD Sec. Tulfo

Balak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na habulin ang mga pabayang ama na hindi nagbibigay ng suporta sa kanilang mga anak.

Sa isang panayam sinabi ni Tulfo na nais niyang matulungan ang mga single mother na nahihirapan sa pagpapalaki ng kanilang mga anak dahil kulang sa child support mula sa kanilang dating asawa o dating kinakasama.

Hinimok nito ang mga single parents na magtungo sa DSWD para matulungan itong mapursige na magbigay ng financial support ang mga ama ng kanilang anak.

Sinabi ni Tulfo na handa ang ahensiya na tulungang magsampa ng kaso sa mga pabayang ama na tatanggi at tatakas sa kanilang pananagutan.

Batay sa Republic Act 9262 or the Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 maaaring makulong ng hangang anim na buwan ang mga lalaking hindi magsusuporta sa kanilang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *