Mga PDL sa Angeles City District Jail, binigyan ng hygiene kits

Tumanggap ng hygiene kits at mga face mask ang nasa 1, 914 Persons Deprived of Liberty o PDL sa Angeles City.

Pinangasiwaan ng Gender Development Office ang distribusyon.

Ito ay pahabol na ayuda sa mga PDL lalo na sa mga kababaihan kaugnay sa patapos na selebrasyon ng Women’s Month.

Matatandaan na maliban dito naglabas ng sariling pera si Mayor Carmelo Pogi Lazatin Jr., para isailalim ang mga kababaihang PDL sa libreng pap smear.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *