Mga PHILSYS registrants na wala pang bank account, hinikayat ding mag-apply

Kasabay ng registration sa step 2 para sa National ID ay binibigyan na rin ng pagkakataon ang mga registrants na makapagbukas ng kanilang sariling account sa Land Bank of the Philippines.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Ms. Hannah Balauag, isang teller ng Land Bank, pagkatapos makapag-register sa step 2 ng national ID ay diretso na ang mga philsys registrants sa kanilang registration area.

Aniya, tinutugunan nila ang lahat ng mga head of household na wala pang Land Bank ATM Card na nais magbukas ng account nang libre.

Mayroon aniya silang pinapupunan na form kung saan kinukuha ang mga pangunahing impormasyon ng registrants pagkatapos ay ipinapasok sa kanilang system.

Iimpormahan na lamang nila aniya ang mga ito sa pamamagitan ng text message sa oras na mayroon na ang kanilang card.

Bagaman walang eksaktong timeline kung kailan nila makukuha ang kanilang card ay posibleng kasabay din nito ang paglabas ng kanilang national ID.

Ang binuksang account ng mga ito ay maaring gamiting savings account, pag-receive ng mga remittance o di kaya naman ay kung sakaling may ibabang ayuda ay maaring dito na idaan.

Dagdag pa ni Ms. Balauag, habang mayroong nagreregister ay nakapwesto parin sila doon upang i-accomodate ang mga philsys registrants na nais magbukas ng account.

Samantala, masaya naman si Clarissa CaƱaveral na nakapagparehistro na sa Philippine System ngayong araw.

Aniya, mabilis ang proseso at umaasa naman siyang mabilis din ang pagbibigay ng ID dahil kailangan talaga ito sa mga business o governmwnt transactions.

Isa rin si Clarissa sa nagbukas ng account sa landbank at ayon sa kaniya makakatulong ito para makapaghulog doon ng savings.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *