Pagsisimula ng step 2 registration ng national ID sa Cauayan City, naging maayos

Naging maayos naman ang pagsisimula ng registration sa national ID system ng PSA Isabela sa Cauayan City ngayong araw.

Ito ang inihayag ni Information Systems Analyst 1 Ophalyn Jane Badua ng PSA Isabela sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

May ilan lamang aniyang hindi nagkaunawaan may kaugnayan sa online registration gayunmam hihintayin muna nila ang abiso galing sa central office ukol dito.

Tanging ang inaasikaso aniya sa registration center ay ang mga nauna nang nakapag pre-register o nainterview noong nakaraang taon.

Nakapagpasa narin aniya sila ng text messages sa mga ito kaugnay sa kanilang eschedules ngayong araw.

Simula ngayong araw aniya ang schedule ng registration sa Cauayan City hanggang July 22, 2021 kung saan bukas sa mga araw ng Lunes hanggang Sabado 8AM-5PM.

Inaabisuhan din ang mga registrants na pumunta sa mga nakatakda nilang  schedule at hangga’t maaari ay 30 minutes o isang oras bago ang schedule para sa kanilang screening.

Magdala rin ang mga ito ng original copies ng birth certificate at 2 valid IDs o government IDs.

Kung wala namang anumang ID ay maari ang barangay certification dahil tinatanggap naman nila ito.

Para naman sa mga hindi nakaabot sa kanilang schedule, maari aniya silang i-accomodate kapag lunch break o kapag natapos na ang mga nakaschedule sa araw na iyon.

Samantala, pagdating naman sa pagsunod ng health protocols ay sumusunod naman aniya ang mga registrants.

Ayon pa kay Badua, nakatulong din ang mga ibinibigay na stub o number para masunod ang social distancing at makontrol ang tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *