Mga Pilipino—nabudol daw sa pangakong P20 na bigas ng Pangulo ayon sa ilang mambabatas

Dismayado ang isang mambabatas sa naging pag-amin ng Department of Agriculture (DA) na wala silang kongkretong plano kung paano mangyayari ang pangakong P20 kada kilo.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay KABATAAN party-list Rep. Raoul Manuel, tahasan niyang sinabi na nalinlang ng kasalukuyang administrayon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na siya ring DA Secretary, ang maraming Pilipino sa inaasahang murang bigas.

Ayon kay Manuel, dapat na mas pinopondohan ng gobyerno ang mga equipment ng mga magsasaka, irigasyon sa mga palayan at iba pang bagay na makatutulong sa pagpapadami ng ani para mas dumami ang supply ng bumababa ang presyo at hindi puro importasyon.

Kung maalala, naging bahagi pa ng unang SONA ni pangulong Marcos ang gawing P20 ang kada kilo ng na bigas na ayon kay Deputy Minority Leader Mujiv Hataman, hindi ito napag-usapan sa DA at aniya pa sa panahon ngayon mahirap abutin ang pangakong ito ng Presidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *